Blog Ong

My Thinking Chair.

Blog Ong has moved to a NEW HOUSE. Click smiley to be redirected. See you there!

5:17 AM

Magkabiyak

|

Elemento.
Isang nilalang.
Walang kasarian.
Perpekto.
Makapangyarihan.
Noon.

Ang elementong ito ay naging sakim. Sabik sa kapangyarihan. Pati ang kaharian ng lumalang sa kanya, gusto niyang angkinin.

Naging mapangahas at lalong lumakas ang kapangyarihan ng elemento dahilan upang sila ay parusahan ng Dakilang Kaharian.


"Isang malakas at matalas na kidlat ang humiwa at nagdulot ng immortal na sugat sa katawan nito at sila ay nahati sa DALAWA...isang lalaki, at isang babae at tinawag na TAO."

Mula noon, ang elemento ay hindi na kumpleto.
Hindi na perpekto.
Walang kapangyarihan.
May kasarian. Tinawag na tao.

Isinumpa upang hanapin magpakailanman ang kanyang sarili na kung tawagin ay....KABIYAK.

Ikaw sino kaya ang kabiyak mo?

(itutuloy...)

Subscribe